8 sangkot sa maanomalyang flood control project sa Najuan, Oriental Mindoro, nasa Sandiganbayan na

Dinala na sa Sandiganbayan ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 8 akusadong sangkot sa maanomalyang road dike project sa Najuan, Oriental Mindoro.

Anim sa mga ito ay sumuko habang isa naman sa kanila ay naaresto ng mga awtoridad na kinilala na sina Department of Public Works and Highways (DPWH) -MIMAROPA Regional Director Gerald Pacanan, Assistant Regional Director na sina Gene Ryan Altea at Ruben Santos.

Kasama rin sina Construction Division Chief Dominic Serrano, Maintainance Division Chief Juliet Calvo, at Project Engineer III Felisardo Casino at isa pang opisyal mula sa naturang ahensya ang dinala sa naturang korte.

Samantala, una nang inihatid ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) bago mag alas-dyes ng umaga kanina si DPWH-MIMAROPA Engineer Dennis Abagon matapos nilang maaresto kahapon sa lungsod ng Quezon.

Kasalukuyang sumasailalim ang 8 akusado sa booking procedures at inaasahan din ang pagpapalabas ng commitment order ng mga ito kung saan kulungan sila pansamantalang ididitine.

Facebook Comments