7 SC Justices, pinag-iinhibit sa adjudication ng quo warranto petition vs CJ Sereno

Manila, Philippines – Pinag-iinhibit ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pitong Associate Justices ng Korte Suprema sa magiging adjudication ng Quo Warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida na kumukwestyon sa validity ng appointment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang pitong justices na tinutukoy ay ang mga tumestigo laban sa Punong Hukom sa impeachment complaint laban dito.

Ayon kay Lagman, mabibigyan lamang ng pagkakataon ang mga mahistrado ng Supreme Court na isulong ang ginagawang hakbang sa pagpapatalsik kay Sereno.


Iginiit ni Lagman na ang pagkakatalaga sa isang opisyal ay may presumption of validity kaya hindi raw pinapaboran dito ang argumento na Void Ab Initio o Invalid mula sa simula.

Hinihimok lamang din aniya ng Quo Warranto petition na labagin ng Korte Suprema ang konstitusyon sa pamamagitan ng pagsapaw sa kapangyarihan ng kongreso na i-impeach si Sereno.

Sinasapawan din ng Supreme Court ang hurisdiksyon ng senado na litisin si Sereno.

Duda naman si Lagman kung bakit sadyang pinili ni Solicitor General Jose Calida na ihain ang petisyon sa Korte Suprema dahil batay sa Section 7 ng Rule 66 ng Rules of Court, maaring ihain ng Solicitor General ang naturang petisyon sa Regional Trial Court ng lungsod ng Maynila, sa Court of Appeals o sa Supreme Court.

Makabagong paraan ng paghahain ng reklamo sa paggawa, isinusulong ng NLRC.

Kasabay ng pagunlad ng teknolohiya, isinusulong na rin ngayon ng National Labor Relations Commission (NLRC), ang pagpapabilis ng paghahain ng reklamo kaugnay sa paggawa.

Ayon kay NLRC Chairman Gerardo Nograles, kapag natapos na ang paghahanda sa proyektong ito, magiging online na ang paghahain ng mga reklamo.

Mas convenient aniya ito, lalo’t ipo- post na rin online ang mga desisyon kaugnay sa isang reklamo kaya’t masusubaybayan ng mga manggagawa at employer ang development ng kanilang mga isinampang kaso.

Inaasahan na sa e-Case Tracking System, mapapabilis ang pag-resolba ng mga kaso at hihigpit ang pagsunod sa itinakdang panahon para pangangasiwa ang isang reklamo.

Facebook Comments