7 Senior Citizen at 1 Iba pa, Dinakip dahil sa Pagsusugal

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng kapulisan ang walong (8) katao na kinabibilangan ng pitong (7) senior citizen sa kanilang magkakahiwalay na operasyon sa Lalawigan ng Cagayan.

Unang naaresto ng PNP Solana ang 5 na naaktuhang naglalaro ng Tong-its sa Brgy. Andarayan South sa naturang bayan sina Luzviminda Cambri Pamittan, 73 taong gulang; Elizabeth Baggayan Dayag, 64 taong gulang; Rogelio Tambauan Zinampan, 74 taong gulang; Ruben Danao Apostol, 64 taong gulang; Galiciano Arugay Taguinod, 74 taong gulang na pawang mga residente sa naturang lugar.

Nakatakas naman ang isa pang suspek at may-ari ng bahay kung saan isinagawa ang pagsusugal na kinilalang sina Leticia Regaro, 73 anyos at Loreto Simangan.


Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya kaugnay sa kanilang illegal na gawain na agad nilang nirespondehan na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang (2) set ng baraha at pera na nagkakahalaga ng Php450.00.

Samantala, huli naman ang tatlong (3) katao sa Brgy. Ipil, Gonzaga, Cagayan dahil sa paglalaro din ng mga ito ng ‘Tong-its’.

Nakilala ang mga suspek na sina Eleonor Ilaga, 61 taong gulang, 4P’s beneficiary, Jovita Berbano, 61 taong gulang at Kristine Joy Garma, 25 taong gulang na pawang mga residente rin ng brgy. Ipil sa naturang bayan.

Nakuha naman sa kanilang pag-iingat ang isang (1) set ng baraha at bet money na umaabot sa halagang Php525.00.

Ang mga nahuling suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at sila’y mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments