Ito ang inihayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ng dumalo siya sa pagdiriwang ng ika-23 Cityhood ng Tuguegarao kahapon, Disyembre 18, 2022
Aniya, isinusulong na niya ito sa Senado kung saan nasa 307 na Superhealth Center ang target niyang mapatayo sa iba’t ibang parte ng bansa sa taong 2023.
Sa Cagayan, nakatakdang ipatayo ang nasabing pasilidad sa pitong bayan tulad ng Sta. Praxedes, Sta. Teresita, Buguey, at Lal-lo.
Matatandaan na isinagawa na ng Department of Health Region 2 ang groundbreaking ceremony ng isang Superhealth Center sa bayan naman ng Sta. Teresita noong November 18, 2022.
Ang itatayong Super Health Center ay binubuo ng iba’t ibang pasilidad katulad ng birthing facility, pharmacy, at out-patient facility.
Ito rin ay mag-aalok ng iba’t ibang serbisyo tulad ng laboratory, dental services, Philhealth, at minor surgeries.
Ang “Superhealth Center” ay mas maliit sa ospital, ngunit mas malaki umano sa isang Rural Health Unit
Layon nito na matulungan ang mga pasyente lalo na ang mga malalayo sa ospital.