
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni Bulacan Police Provincial Office Col. Angel Garcillano na nagpositibo sa ilegal na droga ang pitong naarestong suspek sa pamamaslang kay Police Staff Sgt. Renato Casauay Jr. na natagpuan sa isang septic tank sa Bulacan.
Ayon kay Garcillano, sumailalim sa drug test ang mga nasabing pitong suspek nang sila ay maaresto ng mga awtoridad.
Samantala, narekober na rin ang baril na ginamit ng gunman na si Julian Salamat na isang 9mm pistol sa Malolos, Bulacan gayundin ang motorsiklo ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) officer.
Sa ngayon, apat pa ng mga suspek ang pinaghahanap ng pulisya na umano’y mga accomplice o accessory sa krimen.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na patuloy ang kanilang pagtugis sa mga natitira pang mga suspek.










