7-taon gulang, binunutan ng 526 ngipin

Ravindran's jaw X-ray from Saveetha Dental College and Hospital

Higit 500 ngipin ang natanggal ng mga doktor sa bibig ng isang pitong taong gulang na bata sa India.

Tatlong taon pa lamang daw ay dinadaing na ng batang si Ravindran ang pamamaga sa kanang bahagi ng kanyang panga.

Matapos ang apat na taong pagtitiis, nadiskubre ng mga doktor na mayroong daan-daang kagaya ng ngipin sa bukol na nasa panga ng bata.


Hindi umano pang-karaniwan ang ganitong kaso at tinuring na “first-of-its-kind”.

Kinumpirma ng mga doktor na ang tawag sa ganitong uri ng sugat na mayroong mga ngipin ay “compound composite odontoma”.

Umabot ng limang oras ang operasyong isinagawa ng mga surgeon sa Saveetha Dental College and Hospital sa Chennai.

Credit: Caters News Agency

Natanggal ang 526 ngipin na may iba’t-ibang laki mula sa tumor na tumimbang ng 200 grams.

“We opened up the jaw after administering general anaesthesia and saw a sack inside it. The sack, weighing about 200g, was carefully removed,” ani Dr Senthilnathan na nanguna sa operasyon.

“They looked like pearls in an oyster. Even the smallest piece had a crown, root and an enamel coating like a tooth,” ayon naman kay Dr. Pratibha Ramani na parte ng operasyon.

Facebook Comments