7% target growth rate, posibleng hindi maabot, ayon kay Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion

Posibleng hindi maabot ng pamahalaan ang target na growth rate na 7%.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Paliwanag ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, hagip kasi ang mga consumers ng walang tigil na oil price hike kaya’t maaaring magbawas ito ng mga dati nilang binibiling commodities.


Dapat aniya gawin ng pamahalaan ang patuloy na pagtulong sa mga nasa Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sa gitna ng mga hamon na dulot ng pagsipa sa presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments