7 transport groups, hindi sasali sa kilos-protesta sa Lunes

Naglabas ng manifesto ang pitong transport groups na sumusuporta sa liderato ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap ng LTFRB chair na kontrobersiya na may kinalaman sa umano’y korupsiyon sa ahensiya.

Kabilang sa mga lumagda ang mga lider ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Pasang Masda, Stop and Go Transport Coalition, Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Alliance of Concerned Transport Organizations Alliance of Concerned Transport Organizations, at Alliance of Transport Operators and Drivers Association.


Kasabay nito, nanindigan din ang grupo na hindi sila sasama sa ilulunsad na tigil-pasada sa bukas.

Tanging ang Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) ang nagmamatigas at sinabing itutuloy nila ang malawakang transport strike bilang pagpapahayag ng pagtutol sa PUV Modernization Program.

Facebook Comments