Padating na ng bansa ang 7 Filipino seafarers na una nang ikinulong at pinalaya sa Libya.
Ang mga tripulante ay hinatulan ng 4 na taong pagkakabilanggo makaraang tangkaing i-smuggle ang 16 million liters ng langis.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang tinaguriang Levante 7 ay nakaalis na ng Tripoli kasama si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs Abdullah Mamao.
Si Mamao ay lumipad kamakailan pa-Libya upang asikasuhin ang pagpapalaya sa mga tripulante.
Nagpapasalamat naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa Libyan government dahil sa pagpapalaya sa ating mga kababayan.
Matatandaang ang 7 filipino seafarers ay nakulong sa Libya noong 2017.
Facebook Comments