70-ANYOS NA LOLA, GINAWARAN NG LIBRENG TITULO

CAUAYAN CITY- Emosyonal na tinanggap ng isang 70 taong gulang na lola ang kanyang titulo sa isinagawang pamamahagi ng Department of Environment and Natural Resources Region 02.

Kabilang si Lola Leonarda Matote ng Bicok, Tuao, Cagayan, sa 91 benepisyaryo ng libreng titulo na ipinamahagi ng ahensya kasabay ng Araw ng Kalayaan.

Mangiyak-ngiyak na tinanggap ni Lola Leonarda ang kanyang titulo dahil ayon sa kanya wala umano silang sariling lupa kung kaya’t sa kabila ng kanyang edad ay masaya siyang sa wakas ay mayroon na rin siyang sariling titirhan.


Watch more balita here: 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝟬𝟮

Samantala, ayon naman kay For. Enrique Pasion, Chief ng PENRO Cagayan, ang nasabing aktibidad ay paraan ng DENR upang ilapit sa mga mamamayan ang serbisyo nito lalo na ang free survey at titling maging ang conservation at preservation efforts ng pamahalaan.

Facebook Comments