70 anyos na Lola, Natagpuang Patay sa Loob ng Kanyang Bakuran

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuang wala ng buhay sa bakuran ang isang lola sa Brgy. Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Evangeline Guntalilib, 70 anyos, isang caretaker at residente sa nasbaing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Bayombong, laking gulat na lamang ng bayaw ng biktima na si Dominador Magno, 62 anyos, isang government employee at residente ng Brgy. La Torre North na hindi na gumagalaw ang biktima kaya’t agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang misis na kapatid ng biktima ang nangyari sa kanyang kapatid.


Ayon naman sa kaanak ng biktima, hindi naman nakitaan ng kahit anong galos o sugat ang biktima kung kaya’t kumbinsido ang mga ito na inatake sa kanyang sakit sa puso ang dahilan ng pagkamatay nito.

Wala namang nakikitang foul play ang awtoridad kaugnay sa insidente matapos itong kumpirmahin ng kanyang mga kaanak.

Facebook Comments