70 bakuna kontra COVID-19, dine-develop na ayon sa FDA

Umaabot na sa 70 bakuna laban sa COVID-19 ang dine-develop sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, sa kanilang pagtaya, pinakamaagang mailalabas ang bakuna bago matapos ang taon.

Aniya, patuloy na sinusubukan ng Department of Health (DOH) ang mga donasyong gamot kontra COVID-19 na kabilang sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) gayundin, ang remdesivir na inaasahang aaprubahan na ng U.S. FDA.


Facebook Comments