70-bilyong pisong kita ng bansa sa pagmimina, handang bitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte para suportahan si DENR Secretary Gina Lopez

Manila, Philippines – Idinipensa ni Pangulong Rodrigo Duterte si DENR Sec. Gina Lopez at iginiit na susuportahan ito sa kanyang kampanya kontra illegal at destructive mining.

 

Ayon sa Pangulo, hindi siya kontra sa pagmimina pero dahil sa naging masamang epekto nito sa kalikasan ay mas susuportahan niya si Lopez kaysa ang mga mining companies.

 

Dagdag pa nito, handa niyang pakawalan ang halos 70-bilyong pisong buwis na naiaambag ng mining industry sa bansa para lang maprotektahan ang kalikasan.

 

Samantala, handa namang magbigay ng tulong pinansyal si Pangulong Duterte sa mga maapektuhan ng pagpapasara ng mga minahan sa bansa habang inaayayahan din niya ang mga mining company na tumulong sa kanilang mga trabahador.

Facebook Comments