Mahigpit ang paalala ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos sa mga dadalo sa tradisyonal na simbang gabi tungkol sa 70% occupancy rate na pinahihintulutan sa mga simbahan sa ilalim ng Alert Level 2.
Ayon sa PNP chief, magiging hamon para sa simbahan, mga pulis, Local Government Units at mga health authority ang patuloy na pagpapatupad ng minimum public health standards nang hindi makakasagabal sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon.
Utos din ni Gen. Carlos sa mga PNP line unit na magsagawa ng kaukulang adjustments sa kanilang pagpapatrolya dahil sa pagdami ng mga aktibidad sa gabi.
Kasama na rito ang extended mall hours at Misa de Gallo.
Asahan na aniya ng publiko ang presensya ng mga pulis sa mga simbahan at iba pang pampublikong lugar ngayon holiday season.
Ang mga ito aniya ay pangontra sa masasamang loob at para matiyak ang patuloy na pagsunod ng publiko sa mga health protocol.