Nakapagtala ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng pinakamataas na bilang ng mga kwalipikado sa science scholarship programs ngayong taon.
Ito’y matapos na 70 third year college students ang nakapasa sa eksaminasyon ng Junior Level Science Scholarship (JLSS).
Triple ang pagtaas ng bilang ng mga kwalipikadong iskolar ngayong taon kumpara sa 24 lamang noong 2017.
Sinabi ni Department of Science and Technology-ARMM Sec. Myra Mangkabung, ang pagtaas ng bilang ng passers ay dahil marahil sa programang ‘Syensiya-bilidad’ ng rehiyon, inisyatibo ay naglalayong linangin ang kakayahan ng mga estudyante.
Ang mga kwalipikado sa mga scholarship program ay makakatanggap ng dalawa hanggang tatlong taong S&T scholarships.
Ang mga kwalipikado sa ilalim ng RA 7687 at RA 10612 ay makakatanggap ng subsidy para sa tuition fee at iba pang school fees, monthly living allowance, book allowance, at iba pa, sa huling dalawa o tatlong taong ng kanilang undergraduate studies.(photo credit:bpiarmm)
70 college students sa ARMM, DOST-SEI scholars na!
Facebook Comments