70 deboto, naisugod sa First Aid Station sa Quiapo

Aabot sa 70 ang mga deboto na naisugod sa First Aid Station dito sa harap ng Quiapo Church.

Magkahalong mga bata at matatandang deboto ang nabigyan ng pangunang lunas.

Ang mga ito ay nakaranas ng gutom, dehydration dahil sa init ng panahon habang may iilan na tumaas ang blood pressure.

Kanina bago magtanghali ay may isang bumagsak na matandang lalaki sa labas ng simbahan sa gitna ng misa.

Maayos naman na ang kalagayan matapos na pagpahingain at pasilungin ang matanda sa tent.

Mayroon ding isa pang matandang lalaki na nakahiga sa stretcher na pinagpapahinga rin dahil sa dehydration at gutom.

Mabilis namang tumutugon ang medic ng first aid station para rumesponde sa mga debotong sasama ang pakiramdam.

Facebook Comments