70 indibidwal, patay sa malawakang pagbaha sa Indonesia at East Timor

212

Tinatayang umabot na sa 70 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha sa Flores Island sa silangang Indonesia na umabot hanggang sa East Timor.

Ayon sa otoridad ng Indonesia, 55 na ang kumpirmadong nasawi habang higit 40 pa ang kasalukuyang nawawala.


21 naman ang naitalang patay sa East Timor kung saan inaasahan pang tataas ang bilang dahil sa patuloy na search and rescue operation.

Nabatid na ang nasabing pagbaha ay bunsod ng walang tigil na pag-ulan kaya’t umapaw ang ilang dam sa lugar na naging sanhi ng pagkawasak ng ilang kabahayan, kalsada at tulay.

Facebook Comments