70 Katao, Gumaling sa COVID-19; 15 Nagpositibo

63

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mataas na bilang recoveries ang Lambak ng Cagayan matapos makarekober sa COVID-19 ang 70 katao na nagpositibo sa virus.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa bilang na 70 na karagdagang bilang ng mga gumaling, 20 ang naitala mula sa probinsya ng Cagayan, 42 sa Isabela, 3 sa Santiago City at 5 sa Nueva Vizcaya.


Pero, kasabay ng paggaling ng 70 pasyente, muling nakapagtala ng 15 na confirmed cases ang rehiyon kung saan sampu (10) ang mula sa Isabela, apat (4) sa Santiago City at isa (1) sa Quirino.

Sa ngayon, nasa 88 ang active cases ng Cagayan, 187 sa Isabela, 26 sa Santiago City, 20 sa Nueva Vizcaya, 2 sa Quirino at COVID-19 free sa probinsya ng Batanes.

Umaabot naman sa 2, 871 ang total confirmed cases sa buong rehiyon, 323 ang aktibo, 2, 505 ang gumaling at 43 ang nasawi.

Facebook Comments