70-M Pilipino, fully vaccinated na vs COVID-19

Naabot na ng gobyerno ang target nitong maturukan ng kumpletong bakuna ang 70 milyong Pilipino, dalawang linggo bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.

As of June 17, kabuuang 70,005,247 indibidwal na ang fully vaccinated na 77.8% ng target population.

Sabi ni National Task Force chief implementer Carlito Galvez Jr., patunay ito ng pangako ng pamahalaan na hangga’t maaari ay mabakunahan ang maraming pilipino laban sa COVID-19.


‘Parting gift’ din aniya ito sa susunod na administrasyon kung saan umaasa si Galvez na ipagpapatuloy ng mga bagong lider ng bansa ang vaccination program ng gobyerno.

Samantala, muling hinimok ni Galvez ang publiko na magpaturok ng booster shots bilang dagdag na proteksyon laban sa virus.

Sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), aabot na sa 14,704,514 indibidwal ang naturukan ng first booster shots habang 648,555 ang nabigyan na ng second booster dose.

Facebook Comments