70 na aftershocks, naitala ng PHIVOLCS kasunod ng magnitude 5.5 na lindol sa Maconaco, Isabela

Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Isabela kasunod ng tumamang magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan kaninang umaga.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kaninang alas-3:00 ng hapon ay mayroon nang 70 aftershocks ang naitala.

Mula rito, 12 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang tatlo naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.


Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 2.3 hanggang 4.2.

Una na ring ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.5 mula ang lindol sa Isabela mula sa inisyal na naitalang magnitude 5.8 na lindol kaninang umaga.

Facebook Comments