70 na Nagpositibo sa Isabela, Gumaling na sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na sa sakit na COVID-19 ang pitumpu (70) na tinamaan ng virus sa lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 10, 2021, umaabot na sa 4,176 ang kabuuang bilang ng gumaling sa probinsya kabilang na ang 70 newly recovered cases.

Mayroon namang tatlumpu’t isa (31) na bagong naitalang positibong kaso na nagdadala naman sa kabuuang bilang na 4,704.


Sa 31 new covid-18 cases, lima (5) rito ay naitala sa Lungsod ng Ilagan; apat (4) sa bayan ng Cabagan; tatlo (3) sa Naguilian, Ramon, Reina Mercedes; tig-dalawa (2) sa Angadanan, Benito Soliven, Cordon, Gamu, Cauayan City at tig-isa (1) sa Roxas, Sto. Tomas at Santiago City.

Bumaba naman sa 440 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya kung saan 390 rito ay Local Transmission, dalawampung (20) pulis; labing siyam (19) na Health Workers; sampu (10) na Locally Stranded Individuals at isa (1) na Returning Overseas Filipino (ROFs).

Samantala, nakapagtala naman ang Isabela ng 88 na COVID-19 positive patients na nasawi.

Facebook Comments