70% na units ng mga PUV sa bansa, consolidated na para sa PUV Modernization Program

Patuloy ang pagdagsa ng mga transportation cooperatives at asosasyon sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) para i-consolidate ang kanilang mga units.

Ito ay sa harap na rin ng nalalapit na deadline ng PUV consolidation na nakatakda sa December 31, 2023 batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr-Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega na hanggang ngayong araw umabot na sa 70% units ng PUV ang na-consolidate na para sa PUV Modernization Program.


Lumampas na aniya ito sa target ng gobyerno na 65% units ng PUV ang magko-consolidate.

Kaya naman aasahan aniya nilang tataas pa sa 70% ang maiko-consolidate hanggang sa deadline sa December 31 ngayong taon.

Nakasaad sa isinusulong na PUV Modernization Program ng pamahalaan na mabibigyan ang mga transport workers mas maayos na salary system, social security benefits, at mas malaki ang tyansang makapautang at magkaroon ng modernong jeepneys.

Facebook Comments