70% ng mga driver na apektado ng ECQ, hindi pa rin nabibigyan ng ayuda ayon sa mga transport groups

Nagrereklamo ngayon ang mga transport groups dahil sa kabila ng bilyon-bilyong pondo para sa Social Amelioration Program (SAP), nasa 70% pa ng mga PUJ transport drivers ang hindi nabibigyan ng ayuda.

Ayon kay Ka-Lando Marquez, Presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators o LTOP, halos mamalimos na sa kalsada ang mga miyembro ng iba’t-ibang transport groups partikular sa hanay ng PUJ, UV express at mga passenger bus dahil halos wala na silang makain magmula ng tigil ang pasada dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Naghihimutok si Marquez dahil na-extend na muli ang ECQ pero halos hindi pa naabutan ng ayuda ang nakararaming drayber na apektado ng ECQ.

Ani Marquez, mula sa 4,000 na pumila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa unang araw ng paglalabas ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program, 30% o 300 lamang ang natulungan.

Ang mga driver na nakikimaneho sa mga kooperatibang nagpasailalim sa PUV Modernization program gaya ng Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal Transport Federation ay natamabay sa kani-kanilang mga cooperative quarters at nag-aantay ng tulong.

Apela ni Marquez, ilabas na ang pondo alinsunod sa atas ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments