70% ng mga Pilipino, patuloy na gagamit ng digital payments kahit matapos ang COVID-19 pandemic

Mayorya ng Pilipinong consumers ay mananatili sa paggamit ng electronic payment methods kahit pagkatapos ng COVID-19 crisis.

Ito ang pahayag ng global payments technology company na Visa base sa pag-aaral na isinagawa ng Kantar gamit ang consumer data at AI-based web monitoring.

Ayon sa Visa, nasa 70% ng mga Pinoy ang patuloy na gagamit ng digital payment system kaysa sa bumalik sa cash.


Ayon kay Visa Country Manager for the Philippines Dan Wolbert, ginamit nila ang pag-aaral matapos malaman kung paano nagbabago ang consumer behaviors ng mga Pilipino sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa transition patungong new normal, nakikita nila na mas maraming Pilipino ang nagiging digital na ang pamumuhay lalo na at pinupwersa sila na gawin ito dahil sa pandemya.

Lumabas din sa pag-aaral na 73% ng mga Pilipino ang mas magiging madalas o mananatili sa kasalukuyang online shopping.

Pagdating sa shopping experience, 37% ng Filipino respondents ang mayroong positive experience sa online shopping kaysa sa physical store.

Nasa 42% ng mga Pilipino ang mas gustong gumamit ng cashless methods.

Facebook Comments