Aabot lamang sa 70% ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) laboratories na nagpoproseso ng COVID-19 test results ang nakapagsumite ng kanilang daily reports ng COVID-19 cases sa tamang oras.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malaking hamon ito dahil marami ang hindi kumpleto ang case investigation form.
Dagdag pa ni Vergeire, ilan sa mga laboratory ang hindi pa gumagamit ng COVID-KAYA at ipinadadala lamang nila ang mga datos sa pamamagitan ng e-mail.
Ang COVID-KAYA ay isang application para sa case at contact tracing reporting system para sa epidemiology at surveillance officers, healthcare providers at laboratory-based users.
Bagamat problema pa rin ang late reporting ng ilang laboratoryo, ang DOH ay nagsasagawa ng data reconciliation para tiyaking ang lahat ng COVID-19 cases, kabilang ang recoveries ay naiuulat nang tama.
Sa ngayon, aabot na sa 94 ang RT-PCR laboratories sa bansa.