Ipapatupad na simula ngayong araw ang 70% passenger capacity sa ilang pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan.
Sa inilabas na Memorandum Circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabilang dito ang lahat ng public utility buses, jeepneys, at mga UV Express na bumibyahe sa National Capital Region (NCR), Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan na pinapayagang makapag-operate alinsunod sa inaprubahang passenger capacity.
Ang pagluluwag ay resulta ng pagbaba ng COVID-19 cases at tuloy-tuloy na pagbabakuna ng gobyerno.
Una ng inaprubahan ng Inter Agency Task Force ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB, para masimulan ang pagpapatupad ng one month gradual increase ng passenger capacity ng pampublikong transportasyon.
Ito ay hanggang sa makamit na nila ang kanilang full capacity.