Wala pang kasiguraduhan ang mga water utilities company kung kailan maibabalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ulysses.
Sa interview ng RMN Manila kay Maynilad Spokesperson Grace Laxa, sinabi nito na aabot sa 70 percent ng kanilang customers sa National Capital Region, Bulacan at Cavite ang apektado ng water interruption.
Ayon kay Laxa, dahil sa malakas na ulan dulot ng Typhoon Ulysses, mataas pa rin ang turbidity level o labo ng raw water na galing ng Ipo Dam na pumapasok sa kanilang treatment plants.
Samantala, inihayag naman ni Manila Water Corporate Communication Head Jeric Sevilla na karamihan sa mga customers nila na nawalan ng suplay ng tubig ay sa mga binahang lugar at nawalan ng kuryente.
Pero sa interview RMN Manila, sinabi ni Sevilla na unti-unti na rin nagno-normal ang water supply sa mga apektadong lugar.