Umabot na sa 70 porsyento ng mga general at colonel ng Philippine National Police (PNP) ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, inaasahan nilang magsusumite na rin ng kanilang resignation ang matataas na opisyal ng PNP na nakatalaga sa regional at provincial offices.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Fajardo kung sino-sinong opisyal na ang nagsumite ng resignation.
Nauna nang sinabi ni Fajardo na 956 courtesy resignations mula sa matataas na opisyal ng PNP na nakatalaga sa buong bansa ang inaasahan nila.
Sinabi rin ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na mayroon na lamang hanggang Enero 31 ang mga ito para makapagsumite ng courtesy resignation.
Facebook Comments