70% voters turnout, target ng Comelec sa ikalawang BOL plebiscite

Target ng Commission on Election o Comelec ang 70 percent voter turnout sa ikalawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa North Cotabato at Lanao del Norte.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, lalamanin ng mga balota sa ikalawang plebisito ang ilang katanungan hinggil sa posisyon ng botante kung nais nilang maisama ang kanilang lugar sa BARMM.

Aniya, yes at no o oo at hindi na katumbas sa kanilang lokal na dayalekto lang ang maaaring isagot ng mga botante.


Sabi ni Jimenez, gaya ng naunang plesbito posibleng abutin rin ng apat na araw bago malaman ang resulta ng botohan.

Facebook Comments