700 na mga bus ang idadagdag sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX para ma-accommodate ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.
Sa harap ito ng nararanasan ngayon na kakulangan sa provincial buses sa PITX.
Kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero, nagsasagawa naman ang mga awtoridad ng random inspection sa mga bus at drug testing sa mga konduktor at driver sa PITX.
Nag-iikot sa nasabing bus terminal ang mga tauhan ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation and Franchising Regulatory Boards (LTFRB), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Office (LTO) para i-check kung maayos ang lagay ng mga bus at ng mga pasahero.
Sa ngayon, pumapalo na sa 14,000 na pasahero kada oras ang dumadagsa sa PITX.
Facebook Comments