Inanunsyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) management na negatibo sa COVID-19 ang higit sa 700 na depot personnel nito gayundin ng Sumitomo-MHI-TESP na sumailalim sa rapid antibody testing kahapon.
Ginawa ang rapid anti-body testing bilang agarang aksyon ng MRT-3 matapos magpositibo sa COVID-19 ang 15 manggagawa ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.
Magpapatuloy ang rapid testing ngayong araw sa MRT-3 depot.
Ang magpopositibo sa test ay kinakailangang sumailaim sa Reverse Transcription- Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) confirmatory test at self-quarantine habang naghihintay ng resulta.
Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang contact tracing sa 15 personnel na nagpositibo sa virus na ngayon ay naka-quarantine hanggang sa sila ay gumaling.
Patuloy naman ang masusing paglilinis at pagdi-disinfect ng lahat ng opisina sa MRT-3 depot upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.