700 tauhan ng PNP, MMDA, at Parañaque City LGU, naka-deploy sa mga sementeryo sa lungsod

Nag-deploy ng mahigit 700 tauhan ang pamahalaang lungsod ng Parañaque bilang bahagi ng Oplan Undas 2025.

Layon nito na matiyak ang maayos, mapayapa, at ligtas na paggunita ng Undas sa apat na pangunahing sementeryo sa lungsod.

Bahagi ng puwersang ito ang 392 miyembro ng Philippine National Police (PNP), 100 mula sa Parañaque Traffic and Parking Management Office (TPMO), 150 mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at 29 na tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nag-deploy rin ng force multipliers ang 16 barangay sa Parañaque para sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga sementeryo.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa may mga dalang alagang hayop na lagyan ito ng tali, bantayan nang maigi, at linisin ng kanilang tagapangalaga alinsunod sa Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act of 2007.

Facebook Comments