7,000 pulis, magbabantay sa pagbubukas ng klase sa June 3

Aabot sa 7,000 pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbantay sa seguridad sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 3.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar, makikipag-ugnayan ang PNP sa mga eskwelahan para sa deployment ng mga police personnel.

Maliban aniya sa mga eskwelahan, ide-deploy din ang mga pulis sa mga daanan ng mga estudyante para sa pagbubukas ng school year 2019-2020.


Kasabay nito ay magsasagawa rin ng anti-criminality operations at checkpoints ang PNP.

Facebook Comments