7,000 tauhan ng PNP, isasailalim sa pagsasanay ng Comelec para maging back-up electoral board members sa halalan sa Mayo

Magsasanay ang Commission on Elections (Comelec) ng 7,000 tauhan ng Philippine National Police o PNP na magsisilbing back-up na electoral board members sa halalan sa Mayo.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ito ay para may humalili sa mga guro na regular members ng electoral board na hindi makapagsisilbi sa araw ng eleksyon.

Sinabi ni Garcia na hindi ito ang unang pagkakataon na naging katuwang ng Comelec ang mga pulis bilang poll workers.


Aniya, noong 2022 elections ay nagawa na ito sa North Cotabato.

Sisimulan ng poll body ang pagsasanay sa magsisilbing electoral board workers at mga police personnel sa Marso.

Facebook Comments