70,000 halaga ng ng assorted groceries at 100 unan, natanggap ng mga Army Frontliners mula sa mga pribadong sektor

Nagkaroon ng assorted groceries at mga unan ang mga sundalo mula sa Philippine Army na patuloy na nakadeploy para mahigpit na magpatupad ng Enhanced Community Quarantine kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, aabot sa 70,000 pesos na mga assorted groceries ang ibinigay ng APG International Aviation Academy.

Bukod dito, ibinigay naman ng Sylpauljoyce Furniture Lights & Decor ang 100 unan.


Sinabi ni Zagala ang mga ito ay donasyon para sa mga Security Escort Batallion ng Philippine Army at mga sundalong nakatalaga sa Army General Hospital.

Layon ng dalawang pribadong sektor na makatulong sa mga Frontliners katulad ng mga sundalo.

Lubos naman ang pasasalamat ng Philippine Army sa donasyong kanilang natanggap.

Facebook Comments