700,000 immunocompromised, target maturukan ng ikalawang booster shot ng COVID vaccine

Plano ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na maturukan ng 2nd-booster dose ang halos 700,000 na may sakit o immunocompromised na indibidwal.

Kaugnay ito ng pagsisimula ngayong araw ng pagbabakuna ng Department of Health (DOH) ng ikalawang booster dose para sa mga immunocompromised.

Sa abiso ng DOH nasa 1 to 2 percent ang paunang nais nilang maturukan o katumbas ng hanggang 13,000 indibidwal.


Kabilang sa mga nagsimula nang magbigay ng 2nd-booster-dose ay ang Tala Hospital, PCMC sa Quezon City, Valenzuela Medical Center at ang Pamahalaang Lokal ng Makati.

Facebook Comments