701 na lugar sa bansa, isinailalim sa election hotspot

Manila, Philippines – Umakyat na sa 701 ang mga lugar na isinailalim ng PNP sa election hotspot.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Paliwanag ni PNP Chief kaya umabot sa ganitong bilang ang mga lugar na nasa election hotspot ay dahil sa bagong parameters na ibinigay ng COMELEC sa PNP.


Ito ay ang intense political rivalry, mga kaso ng election-related violence at presensya ng mga armadong grupo.

Sa bilang na ito 94 na mga lugar ang inilagay sa areas of grave concern ngayong midterm elections.

Pinag-aaralan pa rin ng COMELEC kung ilalagay sa under COMELEC control ang mga lugar na ito.

Facebook Comments