703,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 703,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Alas-9:00 kagabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 600,210 doses ng bakuna.

Una na ring dumating sa Cebu dakong alas-6:30 kagabi ang 51,480 natitirang ng bakuna na ipapadala naman sa Davao City ngayong araw.


Ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr., ito ang kauna-unahang pagdating ng bakuna ngayong Setyembre kung mayroon pang 25 million doses na nakatakdang dumating sa Pilipinas.

Facebook Comments