70K na mga guro, sinimulan nang ihanda ng DepEd para sa online education; Panuntunan sa pagbabalik-trabaho ng mga manggagawa, pinaplantsa na ng DOH

Umaabot na sa 70,000 na mga guro ang naka-ugnayan ng Department of Education (DepEd) sa kanilang ginawang webinars.

Ito ay  bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa new normal.

Sa virtual Press conference ng DOH, sinabi ni DepEd Director for ICT Service Abram Abanil na sinimulan na nila ang pilot webinars sa mga guro para sa online education.


Umapela naman ang DepEd sa mga magulang na patuloy na gabayan at i-motivate ang kanilang anak sa edukasyon.

Sa panig naman ni Abelardo David ng Independent Living Learning Center, hinimok nito ang mga mangulang pangunahan ang pagiging therapist sa kanilang mga anak sa gitna ng pandemic.

Dapat din aniyang magsilbi ngayon na guro sa bahay ang mga magulang.

Samantala, inihayag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hinihintay pa nila ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng petisyon na humihiling na palayain ang mga bilanggong high risk sa COVID-19.

Ayon pa sa DOH, pina-plantsa na rin anila ang mga panuntunan sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa matapos ang lockdown.

Sa ngayon ay 6,420 tests kada araw  ang isinagawa ng DOH.

Facebook Comments