Monday, March 23, 2026

71 DAGUPEÑO, NAKINABANG SA PROJECT LINAW MATA SA DAGUPAN CITY

Nakinabang ang 71 Dagupeño, karamihan ay senior citizens, sa Project Linaw Mata na naglalayong maibalik ang malinaw na paningin at pag-asa ng mga pasyente sa Dagupan City.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na matulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga kapos sa kakayahang pinansyal, na makakuha ng serbisyong medikal para sa kanilang mata at mapabuti ang kanilang kalidad ng pamumuhay.

Isinagawa rin ang post-operation check-up sa mga benepisyaryo sa tulong ng mga doktor na katuwang sa programa upang matiyak ang maayos na paggaling ng mga pasyente.

Bahagi ang Project Linaw Mata ng patuloy na inisyatibo ng lokal na pamahalaan upang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan at matugunan ang pangangailangan ng mga residente, lalo na ng mga nakatatanda.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ang patuloy na pagbibigay ng suporta at serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments