71% ICU beds sa bansa, nagamit na – DOH

Okupado na ang 71% ng intensive care unit (ICU) beds sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 66% na ng kabuuang 1,400 ICU beds sa Metro Manila ang nagamit na.

Habang sa buong bansa, okupado na ang 66% ng 1,400 kama na maituturing na nasa high risk category.


Samantala, lumabas din sa datos na 55% ng 3,200 mechanical ventilators sa mga ospital ang nagamit na, habang sa mga rehiyon ay nasa 59% ng 1,200 ventilators ang okupado.

Facebook Comments