71 kaso na may kinalaman sa droga, nakasampa sa DOJ

Manila, Philippines – Pitumpu’t isang kaso na may kinalaman sa iligal na droga ang naisampa sa Dept. of Justice.

Sakop ng naturang breakdown na inilabas ng DOJ ang Metro Manila at labing-apat na rehiyon sa bansa.

Ilan sa mga kaso ay lumalabas na ang biktima ay gumagamit o di kaya ay nagtutulak o sangkot sa drug trafficking.


Ilan din sa mga biktima ay napatay sa lehitimong police operation at ang iba ay napatay sa labas ng operasyon o di kaya ay napapatay ng kasamahan sa sindikato.

Sa 71 kaso na naisampa sa DOJ, apatnaput lima dito ay naiakyat na sa korte.

Kabilang sa mga naisampang kaso laban sa mga akusado at murder at homicide.

Wala namang naitalang collateral death o ang biktima ay nadamay lamang sa operasyon.

Facebook Comments