Aabot sa 71 mga paaralan ang napinsala sa pananalasa ng Bagyong Odette sa bansa.
Batay sa datos mula sa Department of Education (DepEd), pinakamaraming napinsalang paaralan sa Region 6 na 26.
Pumangalawa ang Region 7 na may 12 at sinundan ng Region 8 at CARAGA na may tig-10 napinsalang paaralan.
Anim ang napinsala sa Region 5, tig-tatlo sa Region 4B at Region 10 at isa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi naman ng DepEd na maliban sa mga paaralan na nagtamo ng pinsala ay umabot naman sa 29, 671 na mga paaralan ang naapektuhan ng bagyo sa 11 rehiyon sa bansa.
Habang umaabot naman sa mahigit 12 million na mag-aaral ang naapektuhan.
Facebook Comments