71 Pang Ofw Sa Buong Mundo – Nakahanay Sa Death Row

4

MANILA – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na nasa 71 pinoy OFW sa buong mundo ang nakahanay ngayon sa death row.Sa interview ng RMN ni DFA Spokesman Asec. Charles Jose – karamihan sa mga ito ay nakakulong sa middle east dahil sa mga kaso ng murder, human at drugs trafficking.Kasabay nito, tiniyak ni Jose na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matulungan ang ating mga kababayan.Nabatid na hinihingin ngayon ni labor and employment Sec. Silvestre Bello sa DFA ang listahan ng mga pinoy na nasa death row.Patungo ngayong araw si Bello sa kuwait para subukang maisalba ang buhay ng isa pang pinay death convict na hindi pa pinangalanan.Ikinalungkot din nito ang pagkakabitay sa OFW na si Jakatia Pawa kung saan ikinadismaya ng kalihim na hindi nakarating sa kanya ang impormasyon na bibitayin na pala ito kahapon.

Facebook Comments