71 Persons with Disability sa Isabela, Tumanggap ng Tulong Pangkabuhayan mula sa DTI Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang nasa 71 Persons with Disability (PWD) mula sa Delfin Albano, Isabela.

Umabot sa kabuuang P376,000 na halaga ng tulong pangkabuhayan para sa sari-sari store, panaderya at online package ang natanggap ng mga benepisyaryo kung saan P5,300 na halaga ng pera ang tinanggap ng bawat isa mula sa ahensya.

Nasa 67 sari-sari store package, 3 panaderya package at isang online package ang ibinigay sa mga ito sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG).


Siniguro naman ng ahensya ang patuloy na paghahatid ng mga programa tulad nito upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng isang indibidwal lalo na ang mga kabilang sa espesyal na sektor.

Facebook Comments