Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang nasa 71 na Person’s with Disabilities (PWDs) na mga negosyante sa bayan ng Delfin Albano, Isabela.
Ito ay sa pamamagitan ng programa ng nasabing ahensya para sa mga Micro, Small, and Medium Entrepreneurs (MSME) maging sa mga indibidwal na mayroong maliliit na pinagkakakitaan.
Mula sa 71 PWDs na benepisyaryo, 67 sa mga ito ay mayroong Sari-sari stores, tatlo (3) na may bakeshops, at isang (1) online seller.
Ang bawat isa sa mga benepisyaryo ay tumanggap ng commodities at grocery items na nagkakahalaga ng P5,300 para sa kanilang negosyo.
Ayon kay Ginoong Winston Singun, Provincial Director ng DTI, nagpapatuloy aniya ang kanilang pagbibigay ng tulong at suporta sa mga MSME’s sa Lalawigan upang mapalago at mamintina ang kanilang kabuhayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.