72-anyos lalaki sa UK, natuklasang nalunok ang pustiso matapos operahan

via BJC Reports

Isang 72-anyos na lalaki ang nakalunok ng kaniyang pustiso ilang araw matapos siyang maoperahan sa tiyan sa isang ospital sa Untied Kingdom.

Itinago ang identipikasyon ng lalaki sa pangalang “Jack”, isang retiradong electrician.

Ayon kay Jack, nakaramdam siya ng kahirapan sa paghinga at pagdudugo ng ngipin matapos operahan.


Nang ipasuri muli sa doktor, inakala lamang na sakit ito sa baga o pneumonia kaya binigyan lamang siya ng antibiotics at mouthwash.

Matapos ang dalawang araw ay hindi pa rin umayos ang kondisyon, bumalik ulit siya sa doktor at doon siya sumailalim sa nasendoscopy. 

Ang nasendoscopy ay medical test kung saan gagamit ng manipis na flexible tube na naso-endoscope na ipapasok sa ilong hanggang lalamunan ng pasyente.

Nang makita ang resulta ng test, natuklasan na may humaharang sa kaniyang lalamunan na hugis bilog at napag-alaman din na ito pala ang nawawala niyang pustiso.

Matapos ang isinagawang operasyon, natanggal ang pustiso ni Jack sa kaniyang lalamunan at nailabas sa opsital.

Pinaalala naman ng mga doktor na huwag kalimutan ang pustiso bago operahan.

Facebook Comments