72-ANYOS NA DATING CTG MEMBER, NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

CAUAYAN CITY – Pinili ng isang setenta’y dos anyos na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang mapayapang pamumuhay matapos itong boluntaryong sumuko sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang indibidwal na si alyas “Val”, kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa komunistang grupo.

Ayon sa kanya, taong 1986 ng siya ay sumali sa grupo dahil sa kahirapan sa ilalim ng Venerando Villasillo Command (VVC) na nag-ooperate sa Nueva Vizcaya at kalapit na probinsya.


Nang taong ding iyon ay naging isa  siyang ganap na miyembro at sumailalim sa military training. Maliban dito ay naging supply officer din siya ng grupo.

Samantala,  dahil sa maigting na kampanya ng mga awtoridad kontra komunistang grupo, nagdesisyon si alyas “Val” na magbalik-loob sa pamahalaan.

Facebook Comments