Nagkaroon ang 72-anyos na Pilipina ng severe case ng Immune Thrombocytopenia (ITP) o kakulangan ng platelets sa katawan matapos na maturukan ng anti-COVID-19 vaccine sa Amerika.
Base sa ulat ng New York Times, isang araw matapos na maturukan ng COVID-19 vaccine na dinevelop ng Moderna, nagising si Luz Legazpi na meron nang mga pasa sa kanyang braso at binti, at mga sugat sa loob ng kanyang bibig.
Sa kabila nito, sinabi ng mga eksperto na kailangan pang mapatunayan na ang bakuna ang naging sanhi ng nasabing kondisyon.
Wala pang pahayag ang Moderna tungkol sa nasabing ulat ngunit una na nitong sinabi na patuloy ang kanilang pag-monitor sa kaligtasan ng bakuna.
Facebook Comments