72-billion pesos, hirit na budget ng Duterte Youth para sa Supreme Court

Iginiit ni House Appropriations Committee Member at Duterte Youth Party-List Rep. Drixie Mae Cardema na maisama sa 2024 national budget ang buong 71.91 Billion pesos na pondo para sa Supreme Court at iba pang mga korte.

Hirit ito ni Cardema makaraang 57.79 billion pesos lamang ang inirekomenda ng Ehekutibo sa Kongreso para sa Hudikatura sa susunod na taon.

Paliwanag ni Cardema, kailangang tulungan ang Korte Suprema sa kanilang mandato na magsaayos ng mas maraming korte sa ating bansa na mag-aasikaso sa tambak-tambak na mga kaso sa lahat ng panig ng bansa.


Ipinunto ni Cardema na puro tayo reklamo na mabagal ang hustisya sa bansa, pero hindi naman natin binibigay ang kailangang buong budget pang-operate para makabuo ng mga solusyon.

Diin pa ni Cardema, dapat magkaroon ng fiscal autonomy ang Hudikatura upang matugunan nito ang kakulangan natin sa mga huwes at korte.

Facebook Comments